last friday, palakihan kami ng bag kc overnight kami from friday night hanggang sunday kina melvz bakla... mah gosh! nanalo ako kc ba nman 2 bag ang dala ko kahit may klase pa kami sa umaga.
shooting kc ng finals namin sa Rizal kaya busy-busyhan na naman kami.
first stop-over namin ang SM fairview kc hinihintay namin c ben & nag-grocery muna kami ng makakain ng grupo namin.. tapos mahabang byahe na nman sa bus papuntang San Jose Del Monte.



well anyway, 2 years na rin ang nagdaan nung last na punta naming 3 ni luz & novs kina melvz.

first night.. mga mukhang bagong panganak! haha!

mga di makatulog kaya nagtritrip
nung saturday morning, natagalan kmi kc nag-igib muna kami ng tubig dun sa may mga kalabaw na malapit sa sapa...kaya after lunch na kami nakapag-shoot.





naks! parang mga bakasyonista!!
grabe! ang hirap ng dinaanan namin papunta sa location na napili namin.. ung unang lugar kc puro ebs ng kalabaw tas tuyot pa ung damo chka wala pang shade ung mga puno kc pang-horror na ung itsura kc kalbo-kalbo na kaya nagturo kami ng puno na malago & kung saan green na green ung grass..

eh pucha! ang layo pala nun.. tatawid pa kami ng sapa tapos aakyat pa ng burol bago maabot un!! tatawid ka pa sa tubig na ang dadaanan mo lang eh mga bato na magkakalayo pa.. suot ko pa naman ung favorite shoes ko na supercomfy pero madulas kapag naglakad sa basa.... thank God di ako nadulas or gumulong pababa dun sa mga daan na pataas.

janjan a.k.a. Leonie and me (role ko: bobogirl..hehe)
nag-text sakin c ate lee & mama.. official entry daw ng school ung short film ng grupo ng ate ko sa la salle na ako ang nag-edit! yipeee!!!

second night... nagtritrip pa rin. =)
nung sunday naman... shoot naman kami dun sa bahay na may terrace and swing.. ambait nung may-ari ng bahay kc pinaghanda pa nia kami ng merienda...



trinity & saturn
after lunch naman, shoot ulit kami ng scenes ni Rizal & Leonie sa first location namin nung saturday.. dun sa maraming ebs ng kalabaw... puro pa naman habulan ang gagawin nila dun. ;D


ang cute nitong flower na to! ~kulay pink!!

nung merienda, kumain muna kami ng lomi... ang sarap magluto na mom ni melvz ng lomi.. dami pang gulay.. my favorite!

nung nag-igib kami nung umaga, inalok kami nung mamang may-ari ng kalabaw na pasasakayin nia raw kami dun sa kalabaw nia... kaya naman suuuuuper excited kami na matapos na kaagad kc first time namin sasakay ng kalabaw.
pagbalik namin nung hapon, wala na c manong!
waaaah! di kami nakasakay sa kalabaw! napicturan lang namin ung babay kalabaw na super cute.

pero okies lang kc nung papunta pa lang kmi dun, may baby kambing na sumusunod sa amin...

di naman mashadong obvious na aliw na aliw kami
ang cute-cute nia talaga ni beng-beng-kambing!!
nguya pa ng nguya habang kinakausap namin. =)