I went to an interview (again!) in makati. They scheduled me for another interview in the afternoon. Kaya ayun.. I ate at Mcdo again then naglalakad-lakad nang may hawak na mapa para mahanap ang sakayan papunta sa dun sa office ng susunod na interview.
Okies naman ang interview & ung kasabay ko pa ay schoolmate ko pala. Tapos, Ate Lee texted me to meet her at Megamall. So..off I go papunta sa bus stop nang bigla akong magkaroon ng "Mentos Moment".
NABALI ANG TAKONG NG MULES KO!!!
It was sooo embarrasing. People were staring at me when I boarded the bus. Pagbaba sa Megamall, tuluyan nang bumigay sa pagkakalaylay ung takong. Kaya kahit na mukha akong pilay na nagli-limp..nilakad ko from the main entrance papunta sa shoe section ng department store. I bought cheap sandals na flat lang and sobrang relief nang nagpalit na ako. Ewan ko, pero I realized na I'm so brave na ngayon na nagawa ko pang maglamyerda kahit nasa ganung situation na ako. If dati yun nangyari, siguradong uuwi na lang ako.
Well anyway, when I got home... nag-cramp ang leg ko. haha.