Friday, June 06, 2008
haaaay... buhay nga naman oh... oh life!
tinatamad na akong magtrabaho, ewan ko kung bakit. nung monday nag-leave ako para magshopping sa trinoma kasama mga kapatid ko. actually, joke lang na may migraine ako, etchos lang. nung wednesday naman nag-halfday ako kc nalate ako ng gising, nagising na lang ako sa busina ng trak ng basura tapos 8:30 na pala. kaya sa bahay na ako nag-lunch. parang na-miss ko yung tumambay sa bahay. araw-araw kc pag-uwi ko gabi na, manonood lang ako ng TV ng sandali, konting chika tapos matutulog na... minsan na lang kami makapag-dinner ng sabay-sabay sa bahay. pinakahuli na ata nung kumain kami sa mall two weeks ago. kapag weekend na lang kami nakakakain together.
ayoko nang magtrabaho, gusto ko na lang tumambay.. haha XD
pero ‘pag di ako magtratrabaho, wala akong pera, wala akong panggastos sa mga luho ko kc naman matanda na ako, di na ako highschool na kung ano gusto ko pwede ko ipabili sa tatay ko. di na ako spoiled brat gaya dati na magmumukmok lang ako ibibigay na nila kagad ang gusto ko para lang daw sumaya na ako.
kailangan magtrabaho para maraming pera kc gusto kong yumaman. mayaman na mayaman. yung nabibili ko lahat ng gusto ko tapos tatawa ako ng tatawa kasi masaya ako.. haha XD
gusto ko din magka-goons. medyo pangarap ko kc ang maging kontrabida gaya sa mga telenovela. gusto ko gayahin yung tawa ni bella flores, yung tipong pag humalakhak siya feeling mo nababalutan ka na ng apoy. ganun. tapos bibili ako ng monster truck. sasagasaan ko ung mga buraot na tricycle driver sa maya tapat ng simbahan na sugapa sa bayad tsaka namimili ng pasahero. akala siguro nila wala akong pambayad. tapos tatawa ulit ako ng tatawa.
pupunta na ako sa japan. manonood na ako ng concert ng arashi kc pangarap ko yun. mag-aasawa ako ng hapon tapos ipapasok ko sa johnny’s entertainment ang magiging anak namin. sisikat sya parang arashi bilang singer and dancer kc magkakaroon sya ng boygroup. tapos lalabas sya sa japanese dramas na ipapalabas pagkatapos ng isang taon sa gma7. babalik ako sa pilipinas para sabihin sa mga kakilala ko na anak ko yung nasa TV. tapos maiinis ako kc pangit ang dubbing ng gma7. haha :D
yun lang. back to work.
7:23 AM