Na-inspire ulit akong gumuhit dahil sa isang pangyayari na naganap kagabi bago ako matulog.
Ang hirap pala mapuwing ng langgam.. ng pulang langgam. Akala ko pilikmata lang ang tumusok sa mata ko o yung hibla ng mascara pero nung sinubukan kong tanggalin, di ko sya matanggal. Kusot... kusot. Ipinahid sa kwelyo ng t-shirt. Tumingin ako sa salamin ngunit naroon pa rin sya, nasa sulok ng kaliwang mata, sa pagitan ng mata at ng kulay pink na tearduct. Kinusot ko ulit at kinutkot gamit ang kuko. Binanlawan ko ng mineral water pero nandun pa rin ang makulit na langgam. Lumapit ako sa salamin at dahan-dahan ko syang tinanggal gamit ang dalawang kuko. "Pinitas" ko sya. Bwisit na langgam, nakakapit pala sya sa laman (ugh!) ng mata ko.
Naalala ko tuloy noong may langaw na sumalubong sa mata ko. Naipit sya sa pagitan ng mga pilikmata ko. Parang yung eksena sa Aeon Flux ang nangyari sa akin. Buti na lang naka-mascara ako,
Ang mga ito ay nagpapaalala lamang sa akin kung gaano kalaki ang mga mata ko. XD